Usap-usapan ang naging "Date or Pass" vlog nina Andrea Brillantes at mga kaibigang sina Danica Ontengco, Bea Borres, at Criza Taa na nakasama niya sa seryeng "Kadenang Ginto." noon.

Sa nabanggit na vlog, nagbanggit sila ng iba't ibang male celebrities mula sa showbiz, sports, at social media at sasabihin nila kung bet nilang maka-date o pass.

Isa nga sa mga napasama sa listahan ay ang Gilas Pilipinas young anchor na si Kai Sotto na bukod sa kaniyang angking-husay sa basketball, ay kinakikiligan sa kaniyang height.

Tinataya kasing nasa 7 ft. and 3 inches ang tangkad ng nabanggit na basketball player.

'I'm single now!' Andrea Brillantes bet maka-date si Jakob Poturnak

Sina Danica, Bea at Criza ay nag-pass subalit date naman ang sagot ni Andrea.

"I think I will date," paliwanag ni Andrea.

"Wala lang, para lang masabi na I dated a 7-footer before."

Matatandaang ang ex-boyfriend ni Andrea ay si Ricci Rivero na isa ring basketball player.

Sinabi ni Andrea sa vlog ni Vice Ganda na hindi naman niya isinasara ang puso sa basketball players.

Bukod kay Andrea, sinabi niyang bet din niyang maka-date si Jakob Poturnak, anak ni Ina Raymundo, na isa ring atleta subalit sa baseball naman.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag sina Jakob at Kai tungkol dito.