Nasa 100 overseas Filipino workers (OFWs) ang pinauwi sa bansa nitong Sabado mula sa Kuwait, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Paliwanag ni OWWA Administrator Arnaldo Ignacio, sinalubong nila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang mga nasabing OFW.

Sinabi ni Ignacio, ang pagpapauwi sa mga ito ay bahagi ng repatriation program ng OWWA.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nitong Agosto 21, dumating din sa bansa angn 20 OFWs at 50 naman nitong Agosto 25.

Bago ihatid sa kani-kanilang probinsya, bibigyan muna ng tulong pinansyal ang mga nasabing manggagawa, ayon pa sa OWWA.