
(PNA)
₱93M jackpot sa lotto, walang tumama -- PCSO
Walang nanalo sa jackpot na ₱93 milyong sa isinagawang draw ng 6/45 Mega Lotto.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa winning combination na 32-12-03-18-38-19.
Umabot sa ₱93,036,829.80 ang jackpot para sa nasabing draw.
Sa pagtaya ng PCSO, posibleng tumaas ang mapapanalunan sa susunod na bola ng Mega Lotto.
Binobola ang 6/45 Mega Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, dakong 9:00 ng gabi.