Nakumpiska ng mga miyembro ng Cagayan Anti-Illegal Logging Task Force (CAILTF) ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng Cagayan ang mga inabandonang common hard wood (CHW) sa Baggao, Cagayan kamakailan.

Ang mga natistis na kahoy ay natagpuan sa Sitio Daligadig, Sta. Margarita Baggao, nitong Agosto 23.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa pahayag ni Forester Haygie Ramento Hidalgo, team leader ng CAILTF, nagsasagawa sila ng pag-iikot sa naturang lugar nang madiskubre ang mga illegal na kahoy.

Nai-turnover na sa PENRO sa Gattaran sa Cagayan ang mga nasabing kahoy.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang CAILTF upang matukoy ang nasa likod ng illegal logging operations sa lalawigan.