Pinahirapan muna ng Gilas Pilipinas ang Dominican Republic bago naiuwi ng huli ang panalo, 81-87, sa pagbubukas ng 2023 FIBA Basketball World Cup sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan nitong Biyernes ng gabi.

Betong Sumaya, pumatol sa basher: 'Wag kang manood!'

Maididikit pa sana ng Gilas sa isang puntos ang bentahe ng kalaban. Gayunman, isa lamang sa free throw ni AJ Edu ang naipasok nito, 79-81, 1:54 na lamang sa regulation period.

Sa isa pang play, nakabuslo rin si Victor Liz sa kabila ng ibinigay na foul ni June Mar Fajardo kaya nadagdagan pa ang abante ng Dominican Republic, 83-79.

Hindi na nakahabol ng Gilas Pilipinas hanggang sa tumunog ang final buzzer.

Nagpakitang-gilas sa Philippine team si Jordan Clarkson sa nakolektang 28 puntos, pitong rebounds, pitong assists, dalawang steals at walong turnovers.

Gayunman, na-foul out si Clarkson, 3:32 na lamang sa fourth quarter.

Sa Linggo, makakaharap ng Dominican Republic ang Italy sa Araneta Coliseum sa Quezon City dakong 4:00 ng hapon habang ang Gilas ay kakasa sa Angola dakong 8:00 ng gabi.