National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Hinigpitan pa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang security at safety measures sa mga pantalan sa bansa kaugnay ng ipinatutupad na Oplan Biyaheng Ayos: Balik-Eskwela 2023 ng Department of Transportation (DOTr).

Sa social media post ng Coast Guard nitong Huwebes, naka-heightened alert ang ahensya simula Agosto 22 hanggang Setyembre 1.

Sa pahayag ni PCG Command, CG Admiral Artemio Abu, tinitiyak lamang nila ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero, gayundin ang maayos at matiwasay na biyahe sa mga pantalan.

Katuwang ng PCG sa naturang hakbang ang Philippine Ports Authority (PPA) at Maritime Industry Authority (MARINA).

Binabantayan ng PCG ang pagdagsa ng mga pasahero at operasyon ng mga sasakyang pandagat.

Idinagdag pa ng PCG, dadagdagan pa nila ang ipakakalat na K9 unit sa mga pantalan upang matiyak na walang makalulusot na masasamang-loob.