Humanga ang mga netizen sa transformation ni "E.A.T." host Paolo Ballesteros matapos niyang gayahin si "Barbie" na napapanood pa rin hanggang ngayon sa mga sinehan.

Plakadong-plakado at talaga namang nagmukhang Barbie si Paolo na kilala sa kaniyang amazing make-up transformations at paggaya sa iba't ibang celebrities, lokal man o international.

"Ur mama iza Vorbie 🤓😉🫶🏻," aniya sa kaniyang caption.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Napakomento naman ito ang mga kapwa celebrities lalo na ang hosts ng katapat na noontime show na "It's Showtime" na sina Anne Curtis at Vice Ganda.

"ang galing naman ng barbie na Yan!" anang Anne.

Kuda naman ni Vice, "Ghorl mukha ka talagang laruang manika. Di kita kering makita in person. Shokbo si watazzz."

"@praybeytbenjamin habulin kita 😂" tugon naman ni Paolo.

Matatandaang may "takot" si Vice sa mga manika kaya nagtatatakbo siya noon sa Showtime nang minsang i-prank siya ng co-hosts.

Mata ang parte ng isang manika na labis na kinatatakutan ni Vice. Pakiramdam daw kasi niya may "soul" ang mga ito kapag tinitingnan.

Samantala, humirit naman ang mga netizen na sana raw, mag-collab o magsama sa isang proyekto sina Vice Ganda at Paolo Ballesteros dahil tiyak daw na riot itong malala.