Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng emergency cash transfer (ECT) sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Egay sa Ilocos Sur.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa pahayag ahensya nitong Miyerkules, pinangunahan ng DSWD Field Office 1 ang distribusyon ng cash assistance sa mga pamilyang nasira ang mga bahay dulot ng bagyo.

Nasa 14 bayan sa Ilocos Sur ang nabigyan ng nasabing tulong nitong Agosto 23.

Ayon sa DSWD, sabay-sabay ang pamamahagi ng financial assistance sa Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Bantay, Santa Catalina, Santa, Santiago, San Esteban, Santa Maria at Suyo.

Nakatakda namang mabigyan ng kahalintulad na tulong ang iba pang lugar sa lalalawigan simula Agosto 24-26.