Kinilig at natawa ang mga netizen sa lambingan ng mag-jowang sina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks, Jr. matapos sagutin ng una ang komento ng huli na "Mine!" sa kaniyang larawan.

Nag-post kasi si Zeinab ng larawan niya kung saan nakasuot siya ng puting dress na off shoulder at kita rin ang kaniyang dibdib, habang umaawra-awra sa halamanan.

Komento ni Bobby Ray, "Mine!"

Tugon naman ni Zeinab, "Dalawang P ko sayo lang 🤣."

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Ang tinutukoy na "P" ni Zeinab ay "puso" at "pasensya."

View this post on Instagram

A post shared by @zeinab_harake

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"natakot ako sa dalawang P mi"

"huyy zebby! Hahahahhahahahahhahaha tawang tawa ako"

"nakita namin idol si daddy Ray mo ang may P ang may mahaba pasiinsya hehehe"

"bigla ko kinabahan sa dalawang P ah haha kahit anu pa meaning Yan kanyang kanya talaga Yan😁"

Photo courtesy: Zeinab Harake's IG

Kamakailan lamang ay niregaluhan din ni Zeinab si Bobby Ray ng isang luxury-luggage bilang "pampalubag-loob" sa kanilang tampuhan.