National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Tumakas umano sa National Bilibid Prison (NBP) ang isang preso matapos umanong magtago sa ilalim ng isang garbage truck nitong Hulyo.

Nitong Linggo, Agosto 20, isinapubliko ng Bureau of Customs (BuCor) ang video ng presong si Michael Angelo Cataroja kung saan ipinakita nito kung paano siya tumakas.

Kumapit umano si Cataroja sa ilalim ng garbage truck kaya ito nakatakas.

Naiulat ng mga awtoridad na nawawala si Cataroja nitong Hulyo 15.

Inaresto si Cataroja sa kanyang bahay sa Barangay San Isidro, Angono, Rizal nitong Agosto 18 at kaagad na dinala sa NBP.

Si Cataroja ay nakakulong dahil sa paglabag sa Anti-Fencing law.

PNA