Tila pinasaya ng social media personality na si Zeinab Harake ang kaniyang Filipino-American basketball player boyfriend na si Bobby Ray Parks, Jr. matapos niya itong bilhan ng isang luxury carry-on luggage.
Makikita sa Instagram story ni Zeinab ang litrato ng kaniyang "daddy" habang nakasalampak ito sa sahig ng isang store, yakap ang isang "Dior and Rimowa Carry On-Luggage" na Black Dior Oblique Aluminum, na ayon sa ulat ay nasa $4,400 o mahigit ₱247,000.
"Happy ang daddy ko ?? bati na tayo ha ?? ganun bumawe!" saad ni Zeinab sa Instagram story.
