Sinagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Ukrainian na tripulante ng isang barko matapos mag-collapse sa karagatang bahagi ng Northern Samar kamakailan.

Sinabi ng PCG, kaagad na nagsagawa ng medical evacuation (Medevac) ang Coast Guard Station Northern Samar at Coast Guard Sub-Station Allen sa banyagang si Drozhzhyn Sergiy, 71, habang sakay ng MV "UHL Falcon" sa karagatang sakop ng Palapag, nitong Agosto 17.

Sa report, nahirapan umanong huminga ng nasabing banyaga, matapos sabayan ng panghihina at pagkahilo.

Isinugod sa Catarman Doctors Hospital ang tripulante kung saan idineklarang nasa mabuting nang kalagayan.
Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol