Masayang-masaya at hindi makapaniwala si "It's Showtime" host Kim Chiu nang makadaupang-palad niya ang tinaguriang "Kapuso Comedy genius" na si Michael V o kilala rin sa tawag na "Bitoy," nang bumisita ito sa nabanggit na noontime show para sa kaarawan ng kaibigang si singer-songwriter at co-host na si Ogie Alcasid.

Naganap ang network cross-over ni Bitoy kasama ang isa pang "Pepito Manaloto" star na si Manilyn Reynes nitong Sabado, Agosto 19, 2023.

Sa pamamagitan ng It's Showtime ay malayong nakakapag-guest ang Kapuso stars sa nabanggit na programa. Kung tutuusin, hindi na bago si Bitoy sa noontime dahil minsan na siyang naging host ng "Eat Bulaga."

Ayon sa X post ni Kim, noong bata pa siya, akala niya si Bitoy ang may-ari ng isang sikat na dishwashing liquid na ineendorso nito.

Vice Ganda may trauma na sa icing; Bitoy, Manilyn bumisita sa 'It's Showtime'

"Grabe di ako makapaniwala nakita ko sa BITOY! Nong bata ako akala ko talaga sha ang may ari ng JOY!!!! 💛 happy birthday sir @ogiealcasid welcome po sa showtime sir Michael V and ms Manilyn!💙💚❤️," caption ni Kim, kalakip ang isa pang X post ng netizen na may kalakip na video clip.

https://twitter.com/prinsesachinita/status/1692888369477673262

Samantala, kaugnay na balita naman, marami ang natawa dahil sa tila pagka-trauma ni Vice Ganda sa icing ng cake, matapos hipan ni Ogie ang mga kandila sa kaniyang birthday cake.