
(Manila Bulletin File Photo)
Transport group, hihirit ng ₱1 taas-pasahe sa jeepney
Nakatakdang maghain ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang transport group para sa pagtaas ng pasahe sa jeepney.
Tiniyak ni Pangkalahatang Sanggunian Manila and Suburbs Drivers Association (Pasang-Masda) President Obet Martin sa isang radio interview, ihaharap nila ang ₱1 fare increase petition sa Martes, Agosto 22.
Aniya, isa lamang provisional increase ang kanilang hihilingin sa pamahalaan.
"Kapag nag-normalize na ang presyo ng petroleum products, ire-recall din ang pisong provisional increase," paniniyak ni Martin.
Kamakailan, pinayuhan ng LTFRB ang mga transport group na magsumite ng kanilang kahilingan para sa pagtataas ng pasahe sa jeepney.