National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Hindi tinamaan ang jackpot na ₱70.2 milyon sa 6/45 Mega Lotto draw nitong Biyernes ng gabi.

Paliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa 6-digit winning combination na 42-45-11-10-36-17.

Nasa ₱70,247,013.00 ang jackpot sa naturang draw.

Sa 6/58 Ultra Lotto draw, wala ring tumama sa jackpot na ₱49,500,000.00 para sa winning combination na 03-36-38-25-23-22.

Inaasahan ng PCSO na tataas pa ang premyo para sa mga susunod na draw ng mga ito.

Binobola ang Mega Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes habang ang Ultra Lotto ay tuwing Martes, Biyernes at Linggo.