Nagpadala na naman ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng relief goods sa Batanes na kabilang sa binayo ng bagyong Egay kamakailan.

Umabot sa 7,700 na family food packs ang dumating sa nasabing lalawigan, sakay ng Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Waray ng Philippine Navy at Malapascua ng Philippine Coast Guard nitong Sabado.

Ang bahagi ng nasabing tulong ay nakatakdang ipamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad sa isla nitong Hulyo.

Sinabi pa ng ahensya na ang ibang relief goods ay nakalaan sa mga inaasahang pagtama ng bagyo sa lalawigan sa mga susunod na buwan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'