Ipinatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang cash-for-work program sa Agusan del Norte nitong Sabado, Agosto 19.

Nasa 543 pamilya ang nakatanggap ng tig-₱3,500 para sa kanilang 10-day duration of work, ayon sa ahensya.

Ang mga nasabing benepisyaryo ay mula sa barangay ng Balangbalang, San Antonio, at Tagbongabong ng Remedios T. Romualdez (RTR), Agusan del Norte.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ang nasabing hakbang ay isa lamang sa programa ng DSWD na naglalayong mapalakas ang mga natural at urban built environment habang nagbibigay-suporta sa pangkabuhayan ng mahihirap sa nasabing lugar.