Masayang shinare ni Sparkle star Elijah Alejo ang kaniyang mga larawan habang nakasuot ng puting toga matapos niyang maka-graduate ng senior high school.

Sa isang Instagram post, nagbahagi si Elijah ng ilang mga larawan ng kaniyang pag-attend sa graduation ceremony.

Isa ring video ang pinost ng aktres kung saan makikita ang pagmartsa niya sa entablado upang tanggapin ang kaniyang diploma.

“Officially signing off as a high school student🤍,” ani Elijah sa nasabing post.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

Kinuha umano ng Sparkle star ang Science, Technology, Engineering, and Mathematics strand sa Manila Central University.

“Congratulations baby girl ❤️❤️❤️,” komento naman ni Aiko Melendez sa post ni Elijah.

Nagpaabot din ng pagbati ang Sparkle GMA Artist Center sa milestone na natanggap ng aktres.

“The tassel was worth the hassle! Congratulations to Elijah Alejo on graduating from Grade 12 We're very proud of you,” saad ng Sparkle sa kanilang Facebook post.

Matatandaang bumida kamakailan si Elijah sa GMA Afternoon Prime series na "Prima Donnas" at "Underage."