Iniutos ni Department of Social and Development (DSWD) na paigtingin ang implementasyon ng Oplan Pag-abot program, lalo na sa mga indigenous peoples (IPs) na gumagala sa mga lansangan sa Metro Manila tuwing "ber" months.

Sa isang pulong nitong Martes na dinaluhan ng mga kinatawan ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), inilatag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang programa kasabay ng kahilingang suportahan ito.

Paliwanag ng opisyal, posible ring mabiktima ng human trafficking ang mga nasabing katutubo.

Sinimulan na rin sa Parañaque City ang expansion ng programa kung saan aabot sa 12 bata at tatlong "unattached adults" na pinabayaan ng kani-kanilang pamilya ang natulungan ng programa.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nakipag-ugnayan na rin ang DSWD sa mga center at residential care facility hinggil sa sitwasyon ng mga batang na-rescue sa lansangan.

Sa paunang pag-arangkada ng programa, ipinatupad ito sa Caloocan, Manila at Pasay nitong Hulyo.