Laugh trip ang netizens sa TikTok video ni Kapuso sexy-comedy star Rufa Mae Quinto matapos niyang gawan ng sariling bersyon ang patok na awiting "Gento" ng Pinoy all-male group na SB-19.

Imbes kasi na "Gento, Gento" ang sabihin niya, "Quinto, Quinto" ang sinambit niya!

"Makinig kayo... Rufa Mae Quinto! Quinto! Rufa Mae Quinto! Quinto!" kanta ni Peachy kasama ang ilang bagets na talents ng Sparkle GMA Artist Center.

Sa isa pang TikTok video ay kasama naman niyang nag-Quinto! Quinto! ang komedyanteng si Kim Molina.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Quinto.. Rufa Mae Quinto Quinto! Yasssss… go go go @Kim Molina! Todo na to!" ani Rufa Mae sa kaniyang caption.

Wish ng mga netizen ay magsama sa isang pelikula ang dalawang kalog na komedyante.

"Movie and show together!"

"HAHAHAHAHA kyot!"

"Go go go Quinto, Quinto!"

"Quinto, Quinto, todo na 'toooo!!!!"

"Get in the zone Go go todo na 'to break."

Pumalo na sa libong views ang nabanggit na TikTok videos.