BACOLOD CITY — Nasamsam ng Bacolod City Police Office (BCPO) ang 60 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalagang ₱410,000 mula sa isang drug pusher sa Purok Masinadyahon, Barangay 12 dito, noong Biyernes, Agosto 11.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Mark Jayvee Diarota, 31, residente ng Barangay 12.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sinabi ni Police Capt. Paul Vincent Pendon, hepe ng Police Station 2, na ilang linggo na umano nilang minomonitor ang suspek matapos makatanggap ng impormasyon na ito ay nagbebenta ng umano’y shabu sa barangay.

Dagdag pa ni Pendon, isang high-value individual si Diarota.

BACOLOD SHABU.jpg

60 gramo ng umano'y shabu (larawan mula kay Llanee Zil Menardo via Manila Bulletin)

Nadakip si Diarota matapos arestuhin ang isang hinihinalang miyembro ng sindikato ng droga na may 115 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang ₱14.3 milyon sa Barangay Vista Alegre rito noong Agosto 10.

Nasamsam din ng BCPO ang 22 gramo ng umano’y shabu na may halagang ₱149,600 mula sa isang babae sa Barangay Vista Alegre noong Agosto 8.

Glazyl Masculino