Umuga na naman ng 221 beses ang Bulkang Mayon sa nakaraang pagbabantay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa report ng Phivolcs, naramdaman ang mga pagyanig simula Sabado ng madaling araw hanggang Linggo (Agosto 13).

Nasa 152 beses ding nagbuga ng mga bato ang bulkan, bukod pa ang tatlong pyroclastic density current (PDC) events tatlong lava front-collapse events.

Gumapang muli ang lava sa 3.4 kilometrong bahagi ng Bonga Gully, 2.8 kilometro naman sa Mi-isi Gully at 1.1 kilometro sa Basud Gully.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Aabot pa sa 799 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng Mayon Volcano nitong Agosto 12, bukod pa ang 1,500 metrong puting usok na ipinadpad sa timog-timog silangan.

Paglilinaw ng ahensya, malaki pa rin ang posibilidad na sumabog ang bulkan na isinailalim pa rin sa Alert Level 3 status.