Itinuloy ng pamahalaan ang paghahanap sa nawawalang apat na rescuer ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatang sakop ng Cagayan.

Sa social media post ng Coast Guard, sinuyod ng mga tauhan nito ang karagatang bahagi ng Calayan sa pag-asang matagpuan ang apat na rescuer.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Hindi pa rin isinapubliko ng PCG ang pagkakakilanlan ng apat na rescuer na nawawala matapos tumaob ang sinasakyang aluminum boat dahil sa malakas na hangin sa malalaking alon habang nagreresponde sa na-stranded na M/Tug Iroquois sa karagatang sakop ng Aparri sa kasagsagan ng Super Typhoon Ega nitong Hulyo 26.

Matatandaang narekober na ng mga awtoridad ang sinakyang bangka ng mga ito sa bisinidad sa Barangay Fuga, Aparri nitong Hulyo 30.