Inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang Public Assistance and Action Complaints Desk (PACD) nito upang lalong mapalapit ang serbisyo sa mamamayan.

Ito'y alinsunod sa direktiba ni DOTr Secretary Jaime Bautista na patuloy na isulong ang katapatan, integridad at transparency sa ahensya.

Ang seremonya ay isinagawa sa Columbia Tower, Mandaluyong City nitong Huwebes.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nilinaw naman ni DOTr Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Hector Villacorta, maaaring dumulog o mag-walk in sa PACD para sa mga commuter-related concerns at iba pang transport issues, mula Lunes hanggang Biyernes maliban sa holiday.

Matatandaang inilunsad din ng DOTr ang Commuter Hotline (0920-964-3687) nitong nakaraang buwan upang tumugon sa mga hinaing ng mga commuter.