Labor, employment plan ng DOLE, inilatag kay Marcos
Inilatag na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang 2023-2028 Labor and Employment Plan.
Ang nasabing LEP ay iniharap kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Agosto 8.
Alinsunod sa 8-point socioeconomic agenda at Philippine Development Plan, layunin ng LEP na solusyunan ang unemployment at ang underemployment sa pamamagitan ng pagbibigay ng de-kalidad na trabaho.
Sa naturang pagpupulong, tinalakay ang malaking oportunidad para sa labor sector dahil sa itatayong imprastraktura sa ilalim ng Build Better More ng Department of Public Works and Highways (DPWH)
Bukod dito, magbubukas din ang trabaho sa mga industriya ng turismo, kultura, at business process outsourcing (BPO) sa bansa.