“Baby Moon Trees!”
Ibinahagi ng NASA Artemis na nagsisimula nang tumubo ang ilan sa 2,000 mga buto ng puno na nakapaglakbay umano sa paligid ng buwan pabalik sa Earth sakay ng Artemis I.
“The U.S. Forest Service has begun germinating some of the 2,000 tree seeds that traveled around the Moon and back to Earth aboard Artemis I,” anang NASA Artemis sa isang Facebook post.
“Stay connected with NASA STEM for an upcoming information session on how to become a Moon Tree recipient,” saad pa nito.
Ayon sa mga ulat, Nobyembre 16, 2022 nang magsimulang maglakbay ang 2,000 mga buto ng puno sa paligid ng buwan at nakarating sa 270,000 milya ang layo mula sa planetang Earth.
Makalipas ang halos isang buwan, Disyembre 11, 2022 umano nang makabalik ang nasabing mga buto sa Earth.
Inilunsad naman daw ang naging pagpapadala ng mga buto sa paligid ng buwan bilang pagbibigay-pugay rin sa Apollo 14.