Tila nagbigay ng sariling encouragement words ang dating aktres na si Michelle Madrigal na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram kamakailan.

Makikita sa kaniyang Instagram ang kaniyang video habang nakasuot ng black top at puting shades na may caption na "I'm 34. Divorced. Single. Mom of 1."

Sa kaniyang reels ay mababasa naman ang pahayag na "I'm proud of her. She's courageous, wiser, and full of wisdom. Don't underestimate what GOD can do to heal you. You just have to ask and surrender."

Matatandaang nagdiborsyo na si Michelle at ang kaniyang dating mister na si Troy Woolfolk noong 2022.

Michelle Madrigal, may pa-cryptic posts; hiwalay na ba sa 'jowang' afam?

Nagkaroon ng ka-special someone si Michelle na isang afam subalit kamakailan lamang ay naghiwalay na rin sila. Nakilala niya si "Kyle" sa dating app na "Hinge."