Iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng 977 bagong kaso ng Covid-19 sa bansa mula Hulyo 31 hanggang Agosto 6.

Sa inilabas na National Covid-19 Case Bulletin nitong Lunes, ang average na bilang ng bagong kaso ng sakit kada araw ngayong linggo ay nasa 140.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Ito ay mas mababa ng 25% kung ikukumpara sa mga kasong naitala noong Hulyo 24 hanggang 30.

Sa mga bagong kaso, 11 ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Mayroon din namang naitalang 34 na pumanaw, kabilang ang 12 na naganap noong Hulyo 24 hanggang Agosto 6.

Noong Agosto 6, 2023, mayroong 315 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa Covid-19.

Sa 1,733 ICU beds para sa mga pasyenteng may Covid-19, 209 o 12.1% ang okupado.

Samantala, 2,556 o 15.9% ng 16,098 non-ICU Covid-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Anang DOH, “pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng Covid-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar."

Dagdag pa ng DOH, “sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng Covid-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster."