Isa na namang malakihang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ang ipatutupad sa Martes, Agosto 8.

Sa magkakahiwalay na abiso ng Caltex, Cleanfuel, PTT, Seaoil at Shell, aabot sa ₱4 ang idadagdag sa presyo ng bawat litro ng diesel habang aabot lang sa ₱0.50 ang ipapatong sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Ipatutupad din ng Caltex, Seaoil at Shell ang ₱2.75 na pagtaas sa presyo ng kada litro ng kerosene.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ito na ang ikaapat na sunod na linggong pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

"This is the continuous effect when Saudi Arabia was making production cuts. Now, Saudi Arabia implemented it this August while the OPEC+ (Organization of Petroleum Exporting Countries) just had their meeting last August 3,” ayon naman sa pahayag ni Oil Industry Management Bureau (OIMB) director Rino Abad ng Department of Energy (DOE) sa Laging Handa public briefing nitong Lunes.

PNA