National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nasa 9,000 residente ng Candaba sa Pampanga ang maaapektuhan ng planong water impounding system sa naturang lugar.

Sa pahayag ng mga local official ng Candaba, dati nang inilatag sa kanila ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson ang panukalang proyekto noong 2013.

Gayunman, hindi umano binanggit ang plano ng ahensya sa mga residenteng maaapektuhan ng proyekto.

Sa panukala ni Singson, bibilhin ng gobyerno ang 200 ektarya o 10 porsyento ng 2,000 ektaryang swamp land sa Candaba para pagtayuan ng proyekto upang hindi magkaroon ng pagbaha.

Kamakailan, naranasan ang pagbaha sa lugar kung saan naapektuhan nito ang North Luzon Expressway (NLEX) kaya nakaisip ng paraan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. upang hindi na maulit ang insidente.

“We’ll raise the NLEX para hindi na mangyari itong nangyari ngayon. And then pag-aralan natin ‘yung mga alternative routes kagaya ng… ‘yung mga truck kaya naman ‘yung baha, baka puwede nating padaanin. Iyong mga kotse, doon sa taas. So we’ll study that,” paliwanag ng Pangulo isang pagpupulong sa Pampanga nitong Lunes.

Tiniyak din ni Marcos na ililipat sa relocation area ang mga maaapektuhang residente.