Bukod sa movie poster, pinintasan din ng mga netizen ang official trailer ng pelikulang "Sa Kamay ng Diyos" nina Aljur Abrenica at Elizabeth Oropesa, na mapapanood sa mga piling SM Cinema.

Inilabas ng SM Cinema ang full official trailer ng pelikulang iikot sa buhay ni Rev. Pastor Jonard N. Pamor. Ito ay produced by JPM Film Production.

Ikinaloka ng mga netizen ang ilang eksena kung saan tila nabalot sa isang tubig na korteng ipo-ipo si Aljur, at take note, may mga isda-isda pa ito sa paligid.

Biro tuloy ng mga netizen, mas maganda pa raw ang mga gawa ng elementary at high school students kung ikukumpara sa nabanggit na trailer.

Poster ng pelikula ni Aljur inokray: 'The design is very school project lang?'

May mga humirit pang akala raw nila, spin-off ito ng "Encantadia" series ng GMA Network, kung saan isa sa mga bumida ang estranged wife niyang si Kylie Padilla.

Makikita ang mga komento at reaksiyon sa mismong comment section ng post sa SM Cinema page.

"Performance Task in ESP 4th Quarter..."

"Thank you. Okay, next group presentation."

"Okay group 1 very good! How about group 2? Kung wala let us proceed to group 3."

'UNRELEASE THIS!"

"Pang-world class hahaha."

"Support local!"

"Victor Magtanggol si shaking!"

"Fantasy o comedy ba ang genre nito?"

"Bakit naman pumayag si Aljur sa ganitong klaseng project, kakaloka!"

"Sino ba yung pino-portray niya?"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Aljur o pamunuan ng JPM Film Production tungkol sa isyu.