Tila hindi raw sinasadyang "nabuking" ang real score sa pagitan nina Kapamilya star Joshua Garcia at Filipina-French athlete Emilienne Vigier matapos silang pasalamatan ng staff ng isang cleaning services dahil sa pagiging regular customer nila.

Makikita sa opisyal na Facebook page ng cleaning services ang pagpapa-picture ng staff kay Joshua.

Disclaimer sa post, may permission mula kay Joshua ang pag-post nila ng larawan kasama nito.

Nabanggit sa post ang pangalan ni Vigier na nauugnay ngayon sa Kapamilya heartthrob.

'Tapos na pila?' Joshua Garcia, pinagluto raw si Fil-French athlete Emilienne Vigier

"*Edit: Posted with permission."

"Thank you Mr. Joshua Garcia @garciajoshuae and Ms. Emilienne Vigier @emiliennevigier for hiring our cleaning services!"

"Our staff had a blast working for such kind and humble people. We always strive to do our best effort for all clients, having such great people to work for is just a bonus," mababasang pasasalamat ng kompanya sa kanila.

Photo courtesy: Sanispace Cleaning's FB

Photo courtesy: Sanispace Cleaning's FB

Kaya palaisipan sa mga netizen: nagsasama na ba sa iisang bubong ang dalawa?

"Live in ba sila"

"Alam na this..."

"Akala ko kasama si Joshua sa cleaning staff hahaha ba't kasi naka-white rin siya."

"Baka bahay-bahayan ang peg eme."

"What is the meaning of this??"

Matatandaang kamakailan lamang ay napagtagni ng mga netizen na magkasama sila sa isang bahay dahil sa IG stories nilang dalawa na tila nagluluto sila.

Wala pang kumpirmasyon mula sa kanilang dalawa kung ano na nga ba ang antas ng kanilang relationship.