Higit ₱81M lotto jackpot, walang nanalo -- PCSO
Walang nanalo sa mahigit ₱81 milyong jackpot sa 6/58 Ultra Lotto draw nitong Linggo ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang 6-digit winning combination na 41-20-19-16-42-46.
Sa 6/49 Super Lotto draw, wala ring nakahula sa winning combination na 17-41-36-38-28-23 na may jackpot na ₱15,840,000.00.
Idinagdag pa ng PCSO, binobola ang Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes at Linggo habang ang draw ng Super Lotto ay tuwing Martes, Huwebes at Linggo.