Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga sakit na dengue at leptospirosis dahil mas deadly o nakamamatay pa ang mga ito kumpara sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

National

‘Hindi nag-eexist?’ Mary Grace Piattos, walang kahit anong record sa PSA

Pagbibigay-diin ni DOH Secretary Ted Herbosa, mas mababa ang tinamaan ng Covid-19, gayundin ang mga naoospital at namamatay sa naturang sakit kumpara sa dengue at leptospirosis.

Sa datos ng DOH, mula Enero hanggang Hulyo 22, 2023 lamang ay nakapagtala na ng higit 85,000 kaso ng dengue sa buong bansa.  Sa naturang bilang, nasa 299 ang iniulat na nasawi o may fatality rate na 0.37%.

Nakapagtala rin ang DOH ng 2,079 leptospirosis cases mula Enero hanggang Hulyo 15, 2023 lamang at 225 sa mga ito ang sinawimpalad na bawian ng buhay.

Sa kaso naman ng COVID-19, karaniwan na aniyang nasa isa o dalawa lamang ang pasyente ng Covid-19 ang nadadala sa mga pagamutan, at karaniwan ding may edad at comorbidity ang mga ito. Sa datos, nitong Agosto 4, mayroon na lamang 3,832 aktibong kaso ng virus sa bansa makaraang madagdagan ng 154 bagong kaso.