Kinaaliwan sa social media ang isang babaeng netizen matapos niyang gayahin ang hairstyle ni "It's Showtime" host Anne Curtis nang dumalo ito sa naganap na GMA Gala 2023 noong Hulyo.

Marami ang mga pumuri kay Anne dahil sa kaniyang mala-"Audrey Hepburn" peg, lalo na sa kaniyang bangs.

Kaya isang netizen na nagngangalang "Shenie Mae C. Beltran," 33-anyos, at naninirahan sa Brgy. Daan Lungsod, Gingoog City Misamis Oriental, ang nagtangkang gayahin ang looks ng kaniyang iniidolong Kapamilya superstar.

Ibinahagi ni Shenie ang larawan ni Anne at itinabi sa kaniyang larawan kung saan kinopya niya ang bangs nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Kwentas ug sanina ray ligas namo ni Anne. Labyu idol Anne Curtis," caption ni Shenie sa kaniyang Facebook post.

Photo courtesy: Shenie Mae C. Beltran's FB

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Shenie, ikinuwento niya kung bakit naisipan niyang gayahin si Anne habang siya ay naka-duty bilang sales lady sa isang hardware store.

"Actually po, yung time na nasa work po ako wala po kasing customer nun,mahaba po kasi yung buhok ko pag tinatali ko po yung dulo ng buhok ko napunta sa noo ko tas pag tingin ko sa salamin parang bangs po talaga 🤣🤣," aniya.

"Eh naalala ko si Anne yung bangs n'ya so nag-selfie po ako tas inedit ko po yung picture namin dalawa 😅😅 yun po hehehe."

Hindi raw makapaniwala si Shenie na magba-viral ang kaniyang larawan. Dinampot pa nga ito ng isang fan-based Kapamilya page at naka-tag sa social media acocunt ni Anne Curtis.

"Sobrang idol ko rin po talaga si Ms. Anne kaya po siguro na post ko yun kahit nakakatawa," dagdag pa niya.

Sana raw ay makarating kay Anne ang kaniyang larawan, dahil nais niyang personal na makadaupang-palad ito.

Umani na sa 63k reactions, 3.3k shares at 2.1k comments ang nabanggit na viral FB post.

Anong sey mo, Anne?

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!