“The other side of the story that only few can tell!”
Sa gitna ng isyu ng pagpapatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa producers ng “It’s Showtime” dahil sa ilang eksena sa “Isip Bata” segment, nagpasalamat ang ama ni batang cute-po Baby Argus sa pagmamahal at pag-alaga umano ni Unkabogable Star Vice Ganda sa kaniyang anak sa harap at likod ng camera.
Sa isang Facebook post, nagbahagi ang ama ni Baby Argus na si Daddy Michael ng isang video na nagpapakita ng ilang sweet moments ni Argus at iba pang batang cute-po kasama sina Vice at Ion Perez.
“Thank you for taking care of my son and the whole batang cute-po during these times na wala ako sa tabi ni Baby Argus,” ani Daddy Michael.
“The people should also recognize how you cared for them,how you treat them and respect them on and off camera. You made them strong and happy, Ive seen a lot - The other side of the story that only few can tell,” saad pa niya.
Nagpasalamat naman dito si Vice na nakabalik na sa “It’s Showtime” matapos ang dalawang araw nilang pagbakasyon ni Ion.
Matatandaang Hulyo 31 naman nang maglabas ang MTRCB ng Notice to Appear at Testify sa mga producer ng “It’s Showtime” bunsod umano ng patong-patong na reklamo na natanggap ng Board patungkol sa paraan umano ng pagkain ng cake nina Vice at Ion sa “Isip Bata” segment.
MAKI-BALITA: MTRCB, ipinatawag ang It’s Showtime producers hinggil sa umano’y ilang eksena nina Vice, Ion