Itatayo ng pamahalaan ang airport resettlement project para sa pagpapalawak ng Kalibo International Airport sa Aklan.

Sa social media post ng Department of Transportation (DOTr), pinangunahan ng ahensya ang groundbreaking ceremony para sa pagsisimula ng resettlement project para sa mga residente na maaapektuhan ng ginagawang pagpapalawak ng paliparan nitong Agosto 4.

“Itong proyekto ay bahagi ng social component ng ating mga transportation project, kagaya ng malalaking railway at road projects ng DOTr. Tulad ng ginagawa natin ngayon, ang jeepney modernization program ay nagbibigay ng training at kabuhayan sa mga driver na hindi makakasama sa paglipat sa makabagong sasakyan,” ani ni Secretary Jaime Bautista.

Umaasa rin si Bautista na lilikha ng maraming trabaho ang naturang proyekto.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol