Nagpahayag ng appreciation si Unkabogable Star Vice Ganda sa mga natatanggap daw niyang pagmamahal sa gitna ng isyu ng pagpapatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa producers ng “It’s Showtime” dahil sa ilang eksena umano nila ng kaniyang asawang si Ion Perez sa segment na “Isip Bata.”

“Amidst all the noise I see so much love. I feel so much love,” ani Vice sa kaniyang post sa platapormang X (Twitter).

“Hope you see and feel it too cause it’s amazingly beautiful ,” dagdag pa niya.

Agad naman nagpahayag ng pagmamahal ang supporters ni Vice sa nasabing post. 

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Amidst all the bad environments surround you, remember that you shine brighter than any negativity. You are loved and admired for who you are. Keep your head high and know that your fans stand by your side .”

“You deserve it, Meme. Our love for you is unstoppable and unkabogable! .”

“Because the love you both share deserves to be out there beyond proud of your fighting spirits and brave hearts, vice and ion .”

“I admire you, keep doing what you are doing in showtime coz it makes us all happy .”

“You and Ion are and always loved .”

Simula noong Miyerkules, Agosto 2, nagbakasyon muna sa loob ng dalawang araw sina Vice at Ion, dahilan kung bakit hindi sila napanood sa nasabing noontime show.

Matatandaang Hulyo 31 nang maglabas ang MTRCB ng Notice to Appear at Testify sa mga producer ng “It’s Showtime” bunsod umano ng patong-patong na reklamo na natanggap ng Board patungkol sa ilang eksena sa isang “Isip Bata” segment na may kaugnayan sa nasabing hosts.

MAKI-BALITA: MTRCB, ipinatawag ang It’s Showtime producers hinggil sa umano’y ilang eksena nina Vice, Ion