Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Batanes nitong Biyernes ng gabi, Agosto 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 8:25 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 100 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Itbayat, Batanes, na may lalim na 18 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.