Matapos ang matagumpay na debut sa South Korea, balik-Pilipinas na ang global pop group na HORI7ON para sa kanilang kauna-unahang concert na magaganap sa Setyembre 9.

Sa opisyal na Facebook post ng grupo nitong Miyerkules, Agosto 2, ibinahagi ang mga detalye sa magaganap na concert, tampok ang mga awitin mula sa kanilang debut album na “Friend-SHIP.”

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Magaganap ang concert sa Smart Araneta Coliseum sa darating na Setyembre 9, 2023, at ang ticket selling naman ay magsisimula na sa Agosto 19, 2023. Agad namang napuno ng excitement ang “Anchors” o mga taga-suporta ng HORI7ON sa nasabing anunsyo.

Ang HORI7ON ay binubuo nina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng, at Winston Pineda, na pawang mga nagsipagwagi sa idol survival show na “Dream Maker,” Pebrero ng taong ito.

Sa ngayon ay kaliwa’t kanan ang guestings ng HORI7ON sa iba’t ibang Korean music shows, kung saan patuloy nilang ipinamamalas ang talentong Pinoy.

Hawak ng ABS-CBN at MLD Entertainment ang grupo, na siya ring nagpasikat sa Korean girl group na “MOMOLAND.”