Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang emergency cash transfer (ECT) payout activities sa Ilocos Norte nitong Agosto 3.
Ang naturang hakbang ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa naturang ahensya ng gobyerno na pagtuunan ng pansin ang rehabilitasyon at agarang pagbangon ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyo at southwest monsoon kamakailan.
“This is in line with the President’s instruction that no resident who is severely-affected by the typhoon will ever go hungry, “ anang opisyal.
Probinsya
Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol
Aniya, inuna muna nilang mamahagi ng relief goods sa mga pamilyang apektado ng bagyo bago ang pagbibigay ng emergency cash transfer.
“Part of the President’s instruction is for the DSWD to enable the early recovery and rehabilitation of affected families and individuals through the provision of emergency cash transfer and cash-for-work, which will start soon,” anang kalihim.
Nitong Hulyo 29, binisita ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang lalawigan matapos hagupitin ng bagyo na nagdulot din ng matinding pagbaha.