May 30, 2026

Home BALITA National

Legal counsel ng Gawad Kalinga founder, nagsalita tungkol sa pagkaaresto ng kliyente

Legal counsel ng Gawad Kalinga founder, nagsalita tungkol sa pagkaaresto ng kliyente
Photo courtesy: Malacañang Photo via ABS-CBN News

Naglabas na ng pahayag ang kampo ni Gawad Kalinga founder Tony Meloto matapos siyang arestuhin kaugnay ng mga kasong qualified trafficking na isinampa laban sa kaniya.

Sa opisyal na statement na inilabas ni Atty. Veronica Soriano, sinabi nitong sa kasalukuyan ay nakatuon muna sila sa pagtiyak na mapoprotektahan ang mga karapatan ni Meloto habang nagpapatuloy ang proseso ng kaso.

Ayon sa abogado, kasalukuyan nilang kinakalap ang lahat ng mahahalagang impormasyon at nakikipagtulungan sila sa mga awtoridad upang malinawan ang mga pangyayari kaugnay ng usapin.

Dagdag pa ni Soriano, layunin nilang masiguro na nasunod nang maayos ang lahat ng legal procedures at due process sa isinagawang pag-aresto at sa kabuuan ng kaso.

Sinabi rin niya na maglalabas sila ng karagdagang pahayag sa oras na maging angkop na magsalita hinggil sa iba pang detalye ng kaso.

National

Mga Pinoy, 'mas satisfied' kay VP Sara kaysa kay PBBM

Matatandaang inaresto si Meloto noong gabi ng Mayo 29 sa isang farm sa Barangay Encanto, Angat, Bulacan matapos maglabas ng warrant of arrest ang Regional Trial Court sa Malolos City.

Nahaharap ang founder ng Gawad Kalinga sa dalawang bilang ng qualified trafficking sa ilalim ng Anti-Trafficking in Persons Act.

Nag-ugat ang kaso sa mga reklamong isinampa ng dalawang dating scholars ng Gawad Kalinga na nag-akusa ng umano’y sexual abuse at exploitation noong 2017 habang sila ay nasa ilalim ng programa ng organisasyon.

Noong Setyembre 2025, iniutos ng Department of Justice ang pagsasampa ng kaso laban kay Meloto matapos makakita ng probable cause ang piskalya.

Sa kabila nito, mariin namang itinanggi ni Meloto at ng ilang mga testigo ang mga alegasyon at iginiit na walang katotohanan ang mga paratang laban sa kaniya.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na mas detalyadong tugon ang kampo ni Meloto hinggil sa mga partikular na akusasyong nakasaad sa reklamo.

Samantala, narito ang buong pahayag ng abogado ni Meloto, batay sa ipinadalang mensahe sa GMA News:

"At this early stage, our primary focus is ensuring that Mr. Meloto’s rights are fully protected. We are currently gathering all relevant facts and cooperating with authorities to clarify the circumstances surrounding this matter to ensure that all standard legal procedures and due process were strictly followed."

"We will provide further updates when it is appropriate to do so," aniya.

Maki-Balita: Bakit nga ba inaresto si Gawad Kalinga founder Tony Meloto?