Sa mahigit isang dekadang magkasama, marami na raw nadiskubre ang actress-host na si Mariel Rodriguez-Padilla sa kaniyang mister na si Senador Robinhood "Robin" Padilla, at ipinagmalaki niyang hindi naging mahirap ang kaniyang married life dahil sa mister.

Ibinahagi ni Mariel sa kaniyang panayam sa "Fast Talk with Boy Abunda" sa July 31 episode nito ang mga bagay na napagtanto niya sa buhay-may asawa.

Sabi niya, bagamat mahirap paniwalaan pero hindi raw siya nahirapan sa buhay-may asawa dahil kay Robin.

“To tell you the truth, Robin doesn’t make it difficult for me. I wanna say nice things like na 'you do this kaya mo pala, ganito pala ‘yun, kaya mo pala mag-ano.' But you know, honestly speaking, Robin doesn’t make it difficult for me. I know that [for] many that’s difficult to believe because of how he was before,” ani Mariel.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“But I was so blessed because when I married him ready na siya to really commit himself in the marriage lalo na now, what I discovered about Robin, siya pala ‘yung fun one. Akala ko kasi ako ‘yung fun eh. Like you think ako ‘yung fun but no. Robin was the one who’s spontaneous, Robin was the one who will do whatever kapag sinabi ng mga bata… si Robin pala ‘yung gano’n. Ako pala ‘yung ‘stop doing that…’ ako pala ‘yung gano’n which I didn’t think na I would be,” kuwento pa niya.

Bukod dito, nabanggit din ni Mariel na marriage is a work in progress.

Maki-Balita: Mariel sa buhay-may asawa: ‘It’s a work and you both make it happen’