Apat na beses pang nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon sa nakaraang 24 oras. 

Ipinaliwanag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagkaroon din ng 578 pagyanig ang bulkan, bukod pa ang 225 rockfall events at limang pyroclastic density currents (PDCs).

Nasa 2,709 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan nitong Agosto 1.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ayon sa Phivolcs, naobserbahan din sa bulkan ang katamtamang pagpapakawala ng usok na tinangay ng hangin pa-hilagang silangan.

Nagpakawala rin ito ng lava sa Mi-isi Gully at ito ay umabot sa 2.8 kilometro.

Gumapang din sa Bong Gully ang lava na umabot sa 3.4 kilometro. 

Nagbabala rin ang ahensya sa posibleng pagragasa ng lahar sa paligid ng bulkan, lalo na ngayong tag-ulan.

Nananatili pa rin sa Level 3 ang alert status ng bulkan.