2 lotto draw nitong Agosto 2, walang nanalo
Walang nanalo sa magkasabay na draw ng 6/55 Grand Lotto at 6/45 Mega Lotto nitong Miyerkules ng gabi.
Nilinaw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang 6-digit winning combination na 46-38-43-04-08-17 para sa 6/55 Grand Lotto na may katumbas na premyong ₱36,680,029.40.
Sa 6/45 Mega Lotto draw, wala ring nanalo sa jackpot na ₱29,337,617.00 para sa winning combination na 20-10-18-39-14-16.
Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado, habang ang Mega Lotto ay binobola naman tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.