Nakapagbigay na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng ₱112 milyong halaga ng humanitarian aid sa 718,000 pamilyang naapektuhan ng bagyong Egay.

Paglilinaw ng DSWD, ang nasabing tulong ay binubuo ng family food packs (FFPs) at non-food items (NFIs) at cash sa ilalim naman ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Ang apektadong 718,016 pamilya ay mula sa 4,398 barangay sa Region 1 (Ilocos), 2 (Cagayan Valley), 3 (Central Luzon), CALABARZON, MIMAROPA, 5 (Bicol), 6 (Western Visayas), 7 (Central Visayas), 8 (Eastern Visayas), 11 (Davao), 12 (SOCCSKSARGEN), Cordillera Administrative Region (CAR), at National Capital Region (NCR).

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“Some 13,411 families or 50,005 individuals are still staying in 625 evacuation centers set up by LGUs in the affected regions,” ayon sa ulat na natanggap ng Disaster Response and Management Group (DRMG).

Kaugnay nito, tiniyak ng DSWD na sapat pa rin ang pondo at imbak na relief goods para sa mga residente sa tinukoy na lugar.