Sinabi ng komedyanteng si Dennis Padilla na kung sakaling ikasal na ang anak na si Julia Barretto sa boyfriend nitong si Gerald Anderson, pupunta pa rin siya rito kahit hindi inanyayahan.

Natanong si Dennis ni Ogie Diaz na kung sakaling iharap na nga sa dambana ni Gerald si Julia, pupunta ba siya upang ihatid sa altar ang anak?

Sagot ni Dennis, hindi niya ipipilit kung hindi siya ang maghahatid kay Julia sa altar.

"[Kahit] hindi ako ininvite, pupunta ako. Pero hindi ako pupunta do'n para manggulo, pupunta ako roon para mapanood yung anak ko. Kahit hindi ako ang maghatid,” aniya.

'Gusto raw makausap bilang tatay ni Julia!' Dennis, masama-loob kay Gerald

"Masakit 'yon pero gusto kong makita eh. Gusto kong makita ikasal yung anak ko eh. Anak ko 'yon eh," anang Dennis.

Kahit sa labas lang daw ng simbahan ay ayos na kay Dennis basta't mapanood lang ang kasal ng anak.

Bukod dito, sinabi rin ni Dennis na may hinanakit siya sa boyfriend ng anak na si Gerald Anderson.