Nakahanda na ang tulong ng pamahalaan para sa mga naapektuhan ng Super Typhoon Egay sa Abra.

“Kaya kami nandito para tiyaking na maayos ang takbo at magbigay ng instruction para maging maliwanag kung ano ‘yung dapat nating gawin,” sabi ng Pangulo matapos pangunahan ang pagbibigay ng tulong ng gobyerno sa Bangued, Abra.

Bago pa namahagi ng tulong, pinangunahan din ni Marcos ang situation briefing kaugnay sa epekto ng bagyo.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Dumalo sa pagpupulong ang mga kinatawan ng Abra, Benguet at Mt. Province at iba't ibang government agency na may kinalaman sa disaster response efforts.

Namahagi rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P5.62 milyong halaga ng tulong sa mga residenteng apektado ng bagyo.