Umabot pa sa 40 pagyanig ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Bulkang Mayon sa nakaraang 24 oras.

Mula 5:00 ng madaling araw ng Biyernes hanggang 5:00 ng madaling araw ng Sabado, nakapagtala rin ng 45 rockfall events ang Phivolcs.

Nasa 4,113 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan nitong Hulyo 28.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Walang lumabas na usok sa bunganga ng bulkan dahil natakpan ito ng makapal na ulap.

Umabot naman sa 2.8 kilometro ang lava na ibinuga ng Mayon Volcano sa Mi-isi Gully at sa bahagi naman ng Bonga Gully, naobserbahan ang pagragasa ng lava hanggang 3.1 kilometro.

Posible pa ring sumabog ang bulkan na nasa Level 3 alert status.

Idinagdag pa ng ahensya, ipinagbabawal pa ring pumasok sa ipinaiiral na 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ).