Walang tumama sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Sabado ng gabi kung saan aabot sa ₱29.7 milyon ang jackpot nito.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ito ang pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at sinabing walang nakahula sa 6-digit na winning combination nito na 03-24-19-01-17-11.

Nasa ₱29,700,000 ang jackpot para sa naturang draw.

Bukod dito, wala ring nanalo sa Lotto 6/42 na may jackpot na ₱9,965,962.

Ang winning combination nito ay 21-13-08-28-12-41.

Binobola ang Lotto 6/55 tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.